Home HOME BANNER STORY Pagpapababa sa retirement age ng gov’t workers na 56, aprub sa Kamara

Pagpapababa sa retirement age ng gov’t workers na 56, aprub sa Kamara

3
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukala na magpapababa sa retirement age ng mga government employee mula 60 patungong 56.

Ang House Bill No. 10995 ay nakatanggap ng 209 affirmative votes, walang pagtutol at isang abstention sa plenary session nitong Martes, Nobyembre 24.

Kabilang sa may-akda ng panukala sina Speaker Faustino “Bojie” Dy III ng Isabela at House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos ng Ilocos Norte.

Layon ng panukala na amyendahan ang Section 13-A ng Republic Act No. 8291, o Government Service Insurance System (GSIS) Act of 1997, sa pagbibigay-daan sa mga miyembro ng GSIS na makapagretiro sa edad na 56 basta’t nakapagtrabaho ito ng 15 taon ng serbisyo at hindi nakakatanggap ng buwanang pension dahil sa permanent total disability.

Ang mga kwalipikadong miyembro ay makatatanggap naman ng kanilang retirement benefits mula sa GSIS. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here