Home NATIONWIDE Bong Revilla, personal na naghain ng counter-affidavit, ebidensya sa flood control case

Bong Revilla, personal na naghain ng counter-affidavit, ebidensya sa flood control case

327
0

MANILA, Philippines – Personal na nagtungo si dating Senator Bong Revilla sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) upang maghain ng kanyang counter-affidavit kaugnay sa reklamong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Sa panayam ng media, sinabi ng kanyang tagapagsalita na si Atty. Francesca Senga na wala umanong iba pang kasong nakabinbin laban sa kanyang kliyente sa DOJ sa kasalukuyan.

“Maliban sa kanyang counter-affidavit, ay nagsumite si Mr. Revilla ng mga ebidensya na magpapatunay na lahat ng nilalaman ng mga alegasyon, akusasyon, at reklamo laban sa kaniya ay pawang kasinungalingan lamang,” sabi ni Atty. Senga.

Aniya, umaasa ang dating senador na magiging patas ang DOJ at titingnan ang ebidensya, at hindi na paabutin ang reklamong ito sa korte.

Patuloy namang susundin ng kampo ni Revilla ang takbo ng legal na proseso. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here