Home HOME BANNER STORY Pasaporte ni Zaldy Co, kanselado na – PBBM

Pasaporte ni Zaldy Co, kanselado na – PBBM

322
0

MANILA, Philippines – Kanselado na ang pasaporte ni dating Ako Bicol party-list representative Zaldy Co, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang video message hinggil sa mga imbestigasyon at kasong may kinalaman sa umano’y kuwestiyonableng flood control projects.

“Maibabalita ko po sa inyo na ang passport po ni Zaldy Co ay kanselado na,” pahayag ng Pangulo.

Si Co ay nahaharap sa two counts of graft at malversation of public funds, mga kasong walang kaukulang piyansa. Dahil dito, inatasan ng Pangulo ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine National Police (PNP) na makipag-ugnayan sa mga embahada sa iba’t ibang bansa upang matiyak na hindi makapagtatago sa ibang bansa ang mga hinahabol ng pamahalaan.

“Kung sakali man ay siya ay pumunta roon, ay i-rereport sa atin para naman maibalik natin siya dito sa Pilipinas,” dagdag pa niya.

Samantala, ibinalita rin ng Pangulo ang pagsuko ni Sara Discaya sa National Bureau of Investigation (NBI). Nasa kustodiya na siya ng NBI habang hinihintay ang opisyal na paglabas ng kanyang warrant of arrest.

“Kaya’t nakikita po natin, maganda naman ang takbo ng proseso at ’yung ating mga hinihinalaang kasama dito sa ganitong klaseng sindikato ay haharap sa hustisya,” ani Marcos.

Tiniyak din ng Pangulo na magpapatuloy ang imbestigasyon at pagpila ng mga kaso upang masiguro na ang mga guilty sa ganitong iskandalo ay mananagot sa batas, at higit sa lahat, maibalik ang ninakaw na pera sa taong bayan.
(Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here