Home METRO Manager ng Discaya-owned St. Timothy Construction, sumuko sa Pasig police

Manager ng Discaya-owned St. Timothy Construction, sumuko sa Pasig police

294
0

MANILA, Philippines – Sumuko sa Pasig City police noong Lunes ng gabi si Roma Rimando, manager ng St. Timothy Construction Corporation na pag-aari nina Sarah at Curlee Discaya, ayon kay abogado Cornelio Samaniego III noong Martes.

Ipinasa rin ni Rimando ang kanyang pasaporte bilang patunay na wala siyang intensyon na takasan ang mga kasong kinahaharap niya.

Nagsampa ang Office of the Ombudsman noong Disyembre 5 ng non-bailable na kasong malversation at graft laban kay Rimando, Sarah Discaya, at walong opisyal ng DPWH Davao Occidental kaugnay ng P96.5-milyong “ghost” na proyekto noong 2022.

Ang proyekto, na dapat na revetment sa Barangay Culaman, Jose Abad Santos, ay sertipikadong natapos kahit walang aktwal na konstruksyon, ayon sa mga inspeksyon at pahayag ng saksi.

Kinumpirma rin ni Samaniego na kusang sumuko si Sarah Discaya sa NBI noong Martes ng umaga bilang paghahanda sa posibleng arrest order.

“Wala s’yang tinatago,” sabi ni Samaniego, na kasamang abogado si Discaya nang pumunta sa NBI headquarters sa Lungsod ng Pasay.

Ang kanyang pagsuko ay kasunod ng pahayag ni Pangulong Marcos na maaari siyang arestuhin kapag na-isyu ang warrant of arrest. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here