MANILA, Philippines – Sinabayan ng kaliwa’t-kanang kilos protesta ang pagdiriwang ng International Human Rights Day ngayong araw.
Panawagan ng ilang sektor na nagtipon-tipon sa Mendiola Bridge na tuldukan na ang matinding korapsyon at pagmamalabis sa ilalim ng pamumuno ng kasalukuyang administrasyon.







