Home NATIONWIDE ES Recto pinabulaanan memo sa suspensyon ng pasok sa gobyerno sa Dis....

ES Recto pinabulaanan memo sa suspensyon ng pasok sa gobyerno sa Dis. 26 at 29

305
0

MANILA, Philippines – PEKE!

Ito ang naging pahayag ni Executive Secretary Ralph Recto matapos lumabas at kumalat ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga government offices sa mga petsang December 26, Lunes, at 29, araw ng Biyernes.

 

Ang pahayag na ito ni Recto ay bilang isang maagap na aksiyon sa patuloy na pagkalat ng nasabing memorandum circular.

Nakasaad kasi sa pekeng memorandum na, para mabigyan ng pagkakataon ang bawat pamilya ngayong holiday season at maitaguyod ang work-life balance, ay idinedeklarang suspendido ang pasok ng mga kawani ng pamahalaan.

Giit ni Recto, hindi totoo ang ganitong dokumento at walang nilalabas ang Palasyo na ganitong Memorandum Circular. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here