MANILA, Philippines – Inilagay ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) ang Visayas grid sa yellow alert ngayong Huwebes ng hapon, Disyembre 11 dahil sa manipis na suplay kasabay ng mataas na demand.
Sa abiso, sinabi ng NGCP na ang yellow alert ay itinaas mula alas-5 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi.
Nangangahulugan na ang operating margin ay kulang para maabot ang contingency requirement ng transmission grid bagamat hindi ito agad nangangahulugan ng power interruptions.
Sa kasalukuyan ay nasa 2,578 megawatts ang available capacity ng Visayas grid laban sa peak demand na 2,535 MW.
Tinukoy ng grid operator ang mga sumusunod na dahilan sa pagtataas ng yellow alert:
Ang Visayas demand ay tumaas ng 36MW ngayong araw
Ang KSPC Unit 2 (103MW) ay out pa rin
Ang Mindanao demand ay tumaas ng 49MW, na naglimita sa Mindanao-Visayas Interconnectipn export sa Visayas sa 207MW
Agus 6 derated today at 66.5MW mula sa 101MW kahapon
Pagpapatuloy, sinabi ng NGCP na β10 plants have been on forced outage between April to December, three since 2024, two since 2023, and one other power plant out since 2021; while 16 are running on derated capacities, for a total of 482.41MW unavailable to the grid.β
βThe Luzon and Mindanao grids are under normal condition,β dagdag pa ng grid operator. RNT/JGC