Home NATIONWIDE P1.7M shabu, armas nakumpiska sa bahay ng tulak ng droga

P1.7M shabu, armas nakumpiska sa bahay ng tulak ng droga

230
0

MANILA, Philippines – Huli ang isang 56-anyos na lalaki matapos makumpiska ng mga pulis ang tinatayang ₱1.7 milyon halaga ng hinihinalang shabu at ilang armas sa isang Search Warrant Operation.

Sa pinaigting na kampanya sa illegal drugs ni Regional Director Gil Cesario Castro ng PDEA Region 2 ang suspek ay kinilalang si alyas “Nanding,” isang balo at driver na residente ng lungsod.

Narekober din sa bahay ng suspek ang iba’t ibang ebidensiya kabilang ang isang sachet ng hinihinalang shabu sa loob ng eyeglass case, mga improvised tube pipe na may shabu residue, iba’t ibang magazine at bala para sa cal. .25, cal. .38, at caliber 50, 2 sachets ng hinihinalang marijuana (humigit-kumulang 100g; SDP: ₱12,000), 20 sachets ng hinihinalang shabu at iba pang heat-sealed sachets, at 1 unit caliber .38.

Umabot sa humigit-kumulang 250 gramo ang kabuuang bigat ng hinihinalang shabu.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act). REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here