Home NATIONWIDE Anti-dynasty bill suportado ng Obispo

Anti-dynasty bill suportado ng Obispo

248
0

MANILA, Philippines – Isang mahalagang hakbang sa pagtatapos ng korapsyon sa bansa ang pagbuwag sa mga dinastiya sa pulitika, ayon sa isang opisyal ng Simbahang Katolika sa isang ulat ng CBCP News.

“Ang isang Batas Lanti-Dinastiya ay dapat ipasa nang walang pagkaantala,” ani Bishop Gerardo Alminaza, tagapangulo ng CBCP Episcopal Commission on Social Action–Justice and Peace.

Sinabi ni Alminaza, na namumuno rin sa Caritas Philippines, na ang mga bago at kwalipikadong kandidato ay dapat mamuno sa gobyerno.

“[Kailangan natin] magtulungan at ipagpatuloy ang ating adbokasiya hanggang sa ganap na makamit ang mga hakbang para sa di-pag-ulit at pananagutan,” anang prelado, habang nananawagan siya ng reporma.

Dagdag pa niya, dapat tuluyan nang matapos ang korapsiyon.

Ito rin aniya ang tamang panahon para sa ating bansa na magpasa ng isang tunay na batas laban sa dinastiya.

Sinabi ng CBCP na hindi bababa sa 18 dinastiya sa pulitika na may lima o higit pang miyembro sa pampublikong tanggapan ang nanalo ng mga puwesto sa halalan noong Mayo 2025, batay na rin sa datos ng Philippine Center for Investigative Journalism.

“Marami sa mga rehiyon na pinamumunuan ng mga malalaking dinastiya sa pulitika ang nananatiling mahirap,” ani Alminaza, habang binabanggit niya na ang mga serbisyong panlipunan ay hindi nararating sa lahat ng mahihirap na komunidad. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here