Home NATIONWIDE NBI may nakuhang mahahalagang dokumento sa vault ni Zaldy Co sa condo...

NBI may nakuhang mahahalagang dokumento sa vault ni Zaldy Co sa condo sa Taguig

269
0

MANILA, Philippines – Naging matagumpay ang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos isilbi ang search warrant sa condo ni dating Ako Bicol Party- list Zaldy Co sa Taguig City nitong Huwebes, Disyembre 11.

Pinangunahan ng NBI-Organized and Transnational Crime Division kung saan nakakuha ng mga dokumento na pinaniniwalaang sapat na ebidensya.

Nakuha ang mga dokumento sa tatlong vaults na binuksan ng mga ahente ng kagawaran.

Dahll dito, nakatakda uamnong ibalik ang warrant sa korte na nag-isyu nito.

Bagamat hindi pa isiniwalat ni NBI spokesperson Atty. Palmer Mallari ang laman ng nasabing dokumento na magagamit sa cross reference at maaaring ikumpara sa mga pahayag ng mga witness na lumapit sa kanila kung ito ay magagamit para sa pag-file ng kaso.

Ayon kay Mallari, ang naturang mga nakuhang dokumento ay dadaan pa validation.

“Hindi naman tayo agad-agad naniniwala, dapat dumaan sa masusing pag-evaluate kung ito ba ay itinanim lang o talagang geniune ang kanilang presence dun sa area,” yon pa kay Mallari. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here