Home NATIONWIDE Bong Go magbabantay sa P113B PhilHealth fund

Bong Go magbabantay sa P113B PhilHealth fund

327
0

MANILA, Philippines – INIHAYAG ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na babantayan niya ang pinakamalaking pondo na inilaan para sa Philippine Health Insurance Corporation’s (PhilHealth), maging ang pangako ng ahensya na magsusulong ng mga pagbabago sa susunod na taon.

Ito’y sa gitna na rin ng pagsuporta ni Sen. Go sa panukalang magkaroon ito ng P113 bilyong pondo sa 2026 na bunga ng desisyon ng Supreme Court na ibalik ng pamahalaang Marcos ang kinuha nitong P60B pondo ng ahensya noong 2024.

Pagsasamahin na ang panukalang P53.12B pondo ng PhilHealth at nasabing P60B para maging P113B lahat.

“Pinagtibay ng desisyon ng Korte Suprema na ang kalusugan ng tao ang dapat na inuuna. Nakailang hearing din tayo noon kaya sulit ang ating pangungulit,” said Go na Chairman ng Senate Health Committee.

“Ang pondo ng PhilHealth ay dapat para sa health. Ang PhilHealth po ay hindi negosyo na dapat mag-ipon ng pondo. Ito ay medical insurance para sa lahat upang may masasandalan ang lahat ng Pilipino kapag nagkasakit.”

Kaugnay nito, ipinangako ni Go na pagaganahin ng Senado ang kapangyarihan nitong magbantay sa pagpapatupad ng sakop ng universal healthcare at paggamit ng pondo ng ahensya sa mga programa nito.

“Babantayan natin upang masiguro na ang pondo ng PhilHealth ay nagagamit lamang para sa kalusugan ng ating mga mamamayan,” said Go.

“As a health reform crusader, I will not stop until PhilHealth fulfills all its promises to the Filipino people, especially the poor, the hopeless, and the helpless,” diin niya.

Nauna rito, ipinahayag ng senador ang kanyang pagkabahala sa paghawak ng PhilHealth sa pondo nito noong 2024, lalo na ang paglilipat ng sobrang pondo nito sa National Treasury.

“Sa unang araw pa lang, nilabanan na natin ito. Sabi ko noon, the fund transfer is morally unacceptable. Ngayon, legally wrong pa ayon mismo sa Korte Suprema.”

Sa kabila ng ligal na tagumpay rito, nanawagan siyang sa mga awtoridad na ipaliwanag nila sa mga mamamayan kung saan dinala at ginastos ang nasabing sobrang pondong P60B.

“Dapat ipaliwanag kung saan ginamit ang PhP60B na PhilHealth excess funds. Marami ang nangangamba na pati ito ay maaaring nagamit sa unprogrammed funds at para sa flood control at ghost projects na ginawang gatasan ng iilang mapagsamantala,” diin niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here