Home NATIONWIDE Rider patay sa sagasa ng trak ng basura

Rider patay sa sagasa ng trak ng basura

241
0

MANILA, Philippines – Patay ang 48-anyos na lalaki matapos magulungan ng trak ng basura nitong Biyernes, Disyembre 12 sa South Road Properties (SRP) road sa Barangay Mambaling, Cebu City.

Ayon sa pulisya, ang insidente ay nangyari 5:56 ng umaga malapit sa entrance at exit ng isang commercial establishment sa bypass road.

Sa inisyal na imbestigasyon, bumibiyahe sa parehong direksyon ang motorsiklo at trak ng basura patungo sa F. Vestil Street nang magpalit ng linya ang trak.

Nang kumanan ang trak sa establisyimento, nakabungguan nito ang paparating na motorsiklo.

Nagresulta ang impact para mahulog sa kalsada ang rider at magulungan naman ng trak.

Idineklarang dead on the spot ang biktima ng mga rumespondeng emergency medical responders.

Dinala sa Cebu City funeral home ang biktima para makuha ng pamilya.

Ayon sa drayber ng trak, hindi niya agad napansin na tinamaan na pala nito ang motorsiklo at nagulat na lamang siya na pumailalim na ito.

Dinala sa kustodiya ng pulisya ang drayber ng truck na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.

Hindi naman sinabi ng pamilya ng biktima kung itutuloy nila ang pagsasampa ng reklamo laban sa truck driver. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here