Home HOME BANNER STORY Alcantara inaasahang magbabalik pa ng P200M sa pamahalaan

Alcantara inaasahang magbabalik pa ng P200M sa pamahalaan

252
0

MANILA, Philippines – Inaasahang magbabalik pa ng karagdagang P200 milyon si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan District Engineer Henry Alcantara sa pamahalaan bilang restitution.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), maaaring maiturn-over ni Alcantara ang pera sa susunod na linggo kasabay ng kanyang aplikasyon sa Witness Protection Program (WPP).

Nauna nang nagbalik si Alcantara ng P110 milyon sa pamahalaan noong Nobyembre.

Nitong Biyernes, Disyembre 12 ay bumisita si Alcantara sa DOJ sa patuloy na kooperasyon sa imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.

Siya, kasama sina dating DPWH officials Roberto Bernardo, Brice Hernandez, at Jaypee Mendoza, ay ikinokonsiderang “protected witness” at sila ay nasa ilalim ng “provisional acceptance” sa WPP. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here