Home NATIONWIDE Doktor, babaeng kasabwat tiklo sa ₱1M panloloko sa Parañaque

Doktor, babaeng kasabwat tiklo sa ₱1M panloloko sa Parañaque

584
0

MANILA, Philippines – Sa ikinasang follow-up operation ay nadakip ng mga miyembro ng Tambo Police Sub-station ang isang doctor at babaeng kasabwat na di-umanoý nanloko sa isang negosyante na natangayan ng ₱1,000,000 sa Parañaque City Biyernes ng madaling araw, Disyembre 12.

Kinilala ni Parañaque City police chief P/Col. Nicolas S Piñon ang nadakip na suspek na isang Filipino-American na si alyas Migs, 36, residente ng Batasan Hills, Quezon City, at isang alyas Inkee, 51, ng Carmona, Cavite.

Base sa isinagawang inisyal na imbestigasyon, naganap ang pag-aresto sa mga suspek bandang alas 12:35 ng madaling araw sa Parqal Building, Macapagal Boulevard, Brgy. Tambo, Parañaque City.

Ayon sa negosyanteng biktima na si Christopher Aguilar, nitong nakaraang Huwebes ay nakipagtransaksyon siya sa mga suspek na magbibigay siya ng ₱1,000,000 kapalit ng USD100,000.

Kinabukasan ay nagkita ang biktima at ang mga suspek sa isang kuwarto sa Parqal Building na matataagpuan sa Macapagal Boulevard kung saan iniabot niya ang nabanggit na halaga sa mga suspek na may kaakibat na kasulatan na tinanggap ang kanyang pera ngunit hindi natupad ang usapan nang walang naibigay na kapalit ang mga suspek sa kanya.

Agad nagtungo ang biktima kasama ang kanyang kaibigan na si Richard Rebbes sa Tambo Police Sub-station kung saan ito naghain ng reklamo na nagresulta ng pagkakaaresto sa mga suspek.

Hanggaang sa pagkadakip ng mga suspek ay hindi pa rin naibabalik ang nabanggit na halaga ng pera na nakuha sa biktima.

Nahaharap sa kasong swindling (estafa) sa Parañaque City Prosecutor’s Office ang mga suspek na nakasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Parañaque City police. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here