Home NATIONWIDE Higit 100 gurong Pinoy inilikas sa Thailand sa serye ng sagupaan

Higit 100 gurong Pinoy inilikas sa Thailand sa serye ng sagupaan

277
0

THAILAND – Mahigit 100 Filipino sa Thailand ang inilikas ng mga awtoridad kasunod ng tumataas na insidente ng sagupaan sa ilang lugar.

Ayon kay Philippine Ambassador to Thailand Millicent Cruz, ang mga evacuees ay mga gurong nakatalaga sa mga lugar kung saan nangyayari ang mga bakbakan.

“Ligtas naman sila,” ani Cruz.

“Dahil may armed clashes doon, suspended ang lahat ng classes at sakanila no work no pay. No Filipino is in trouble. Lahat ay ligtas, lahat ay accounted for,” dagdag pa niya.

Nauna nang sinabi ng Philippine Embassy sa Bangkok na ang mga atletang Pinoy na lumalaban sa 2025 Southeast Asian Games ay ligtas.

“Ang mga atleta natin ay siguradong safe. Safe naman ang Bangkok. That’s why we continue to have these SEA Games. In-ensure ‘yan ng Thai authorities,” sinabi pa ni Cruz. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here