Home ENTERTAINMENT Bday celeb ni Derek, inorganisa ni Chavit!

Bday celeb ni Derek, inorganisa ni Chavit!

290
0

Manila, Philippines – Pinagtulungang iorganisa ni dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson at chemist na si Pinky Tobiano ang 49th birthday celebration ni Derek Ramsay.

Ginanap ito sa tahanan ni Chavit nitong December 7.

Family at mga close friends ang dumalo sa okasyon.

Derek’s parents Derek Sr. and Remedios were present.

Sa puntong nagtawid ng mensahe ang Fil-British actor ay hindi niya napigilang magpakawala ng emosyon.

Sinabayan ng gumagaralgal na tinig, Derek told his guests: “Just imagine if God takes away someone you never thought you could lose…imagine what He can give you. So, He’s giving me all of you…

“So, thank you for being here and helping me.”

Mapapanood ‘yon sa kinunang video kung saan nag-express ng pagmamahal ang naroon nang sabay-sabay.

Wala mang tinukoy si Derek kung sino ang “you” that he never thought he could lose, obyus namang si Ellen Adarna ‘yon.

Prior to the celebration ay nag-alsa-balutan si Ellen mula sa Ayala Alabang residence ni Derek and moved in some place.

Naging mas makahulugan ang okasyong ‘yon sa pagdalo ni Baby Liana, ang kanilang anak.

Agaw pansin naman ang sweatshirt ni Derek on which ay may nakasulat na: “Love My Baby Liana” at drawing ng kanilang mukha. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here