Home ENTERTAINMENT Batang Quiapo, mapapaaga ang pagtatapos!

Batang Quiapo, mapapaaga ang pagtatapos!

420
0

Manila, Philippines – Say goodbye to FPJ’s Batang Quiapo.

Sa gustuhin man o hindi ng mga masugid na tagasubaybay ng Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin ay mapapaaga ang pamamaalam nito sa ere.

Ang dapat sana’y seryeng magtatapos sa February o March 2026 ay magkakaroon ng last telecast sa January 2.

Napapanood ito sa Kapamilya channel, A2Z at TV5.

Mapapansing isa-isa nang nawawala ang mga tauhan sa action drama series which piloted on February 13, 2023.

Tinatayang ang dahilan ng maagang pamamaalam ng BQ ay may kaugnayan sa isyu sa pagitan ng ABS-CBN at TV5.

Terminated na kasi ang TV Content Supply Agreement sa pagitan ng dalawang network, the notice of which ay natanggap ng ABS-CBN nitong December 4.

Ito’y dahil sa utang ng ABS-CBN na nananatiling unpaid sa TV5.

Itinanggi naman ng ABS-CBN–sa pamamagitan ng isang mahabang paliwanag–na sinadya nila ang ‘di pagbabayad ng kanilang pagkakautang.

Gayunpaman, nakatakdang gumawa ng serye si Coco sa TV5–hindi pa lang tiyak ang materyal na siguradong mainit ding tatanggapin ng mga manonood. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here