Home METRO Truck helper, patay matapos masagasaan ng sinasakyang cargo truck sa Quezon

Truck helper, patay matapos masagasaan ng sinasakyang cargo truck sa Quezon

7
0

QUEZON, Philippines – Patay ang isang 39-anyos na truck helper matapos aksidenteng masagasaan ng cargo truck na kaniyang sinasakyan sa kahabaan ng bypass road sa Barangay Pili, Sariaya, Quezon noong Nobyembre 23, 2026.

Kinilala ng pulisya ang biktima sa alyas Joshua, binata, tubong Camarines Norte at pansamantalang naninirahan sa Barangay Silangan Mayao, Lucena City. Idineklarang dead on arrival ang biktima sa ACE Hospital sa Sariaya.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Sariaya Municipal Police Station, dakong alas-1:28 ng hapon nang maganap ang insidente habang sakay ang biktima ng Isuzu dropside cargo truck na may plakang EBE-706, na minamaneho ng 30-anyos na si alyas Donato.

Binabaybay ng trak ang southbound lane ng Sariaya mula Cainta, Rizal patungong Lucena City nang mawalan umano ng kontrol ang sasakyan at bumangga sa poste ng solar street light ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Dahil sa lakas ng banggaan, nabasag ang windshield ng trak at tumilapon palabas ang biktima. Nahulog ito sa kalsada at aksidenteng nasagasaan ng mismong cargo truck. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here