Home HOME BANNER STORY TNVS drivers nag-alala sa pagbaba ng surge pricing ng LTFRB

TNVS drivers nag-alala sa pagbaba ng surge pricing ng LTFRB

323
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ang TNVS Community Philippines noong Sabado na ang desisyon ng LTFRB na bawasan ang cap sa surge pricing sa ride-hailing services ay maaaring makaapekto sa kanilang kita.

Ayon sa grupo, ang surge o dynamic pricing ay nakabatay sa demand, trapiko, distansya ng pick-up, at operating costs. Ang biglaang pagbawas lalo na sa panahon ng holidays ay direktang tatama sa mga driver, dahil hindi na sulit ang oras, pagod, at gastos sa mataas na presyo ng gasolina.

Sinabi rin nila na ang surge fees ay mekanismo para mapanatiling patas ang kita ng drivers sa mas mahirap at matagal na biyahe. Kung babawasan ito sa peak hours, maraming driver ang mapipilitang mag-offline, na maaaring magdulot ng kahirapan sa mga commuter.

Ayon sa LTFRB, ginawa ang hakbang bilang tugon sa reklamo ng mga pasahero tungkol sa mataas na pamasahe dahil sa algorithmic pricing. Ipinag-utos din sa TNCs tulad ng Grab na ang surge price ay hindi hihigit sa Travel Distance Charge at Travel Time Charge, at hindi puwedeng kuhanin ang bahagi ng surge price bilang commission o service fee. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here