Home NATIONWIDE Tulong Dunong ililipat sa CHED sa mas mabilis na tulong sa mga...

Tulong Dunong ililipat sa CHED sa mas mabilis na tulong sa mga estudyante

276
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng bicameral conference committee ang paglilipat ng Tulong Dunong student assistance program sa Commission on Higher Education (CHED) para sa mas sentralisadong pamamahala sa mga state universities and colleges (SUCs) sa 2026 national budget.

Ayon sa mga mambabatas, makakatulong ang sentralisasyon upang mas mabilis at mas madaling ma-access ang tulong ng estudyante. Sinabi ni Sen. Loren Legarda na nagbibigay ito ng flexibility kung may fiscal space, habang sinabi ni Sen. Erwin Tulfo na maiiwasan ang pagkaantala kung ang bawat SUC pa ang hihingi ng pondo sa CHED.

Ayon kay House Appropriations Chairperson Rep. Mikaela Angela Suansing, mas praktikal ang sentralisasyon para sa 2026 budget cycle dahil limitado ang oras at kailangan ng maayos na estimate bawat SUC. Kinumpirma rin ito ni Senate Finance Chair Sherwin Gatchalian.

Sa ilalim ng programa, ang mga kwalipikadong estudyante mula sa pamilya na may gross income na mas mababa sa PHP400,000 ay makakatanggap ng PHP7,500 kada semestre, o PHP15,000 kada taon. Para sa mga SUC, inaprubahan ang kabuuang budget na PHP138.087 bilyon, mas mataas ng PHP9.248 bilyon kumpara sa National Expenditure Program (NEP). RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here