MANILA, Philippines – Ayon kay Kabataan Party-list Rep. Renee Co, hindi dapat pasalamatan ang House at Senado sa pagbubukas sa publiko ng Bicameral Conference Committee (BCC) hearings para sa 2026 national budget.
Ani Co, ito ay tagumpay ng kolektibong pagkilos at panawagan ng mamamayan.
Binanggit niya na ang pagtaas ng budget sa edukasyon, pagbabayad sa utang ng gobyerno sa mga pampublikong unibersidad, at pagdagdag ng pondo sa nutrisyon, feeding, at mental health programs ay bunga rin ng tinig ng mamamayan.
Nanawagan si Co na patuloy na subaybayan ang livestream ng BCC hearings, ipamahagi ang mga obserbasyon sa iba, at makiisa sa people’s organizations upang ipaglaban ang kapakanan ng nakararami. RNT/MND