Home TOP STORIES DFA: Wala pang Pilipinong biktima sa pamamaril sa Bondi Beach; 16 utas,...

DFA: Wala pang Pilipinong biktima sa pamamaril sa Bondi Beach; 16 utas, 40 sugatan

307
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 16 ang bilang ng mga nasawi sa mass shooting na nangyari noong Linggo, Disyembre 14, sa isang pagdiriwang ng Jewish holiday sa Bondi Beach, Sydney, ayon sa pulisya nitong Lunes ng madaling araw.

Ayon sa isang post ng pulisya sa X, 40 katao pa ang nasa ospital dahil sa insidente. Hindi pa malinaw kung kasama sa bilang ng nasawi ang pinaghihinalaang gunman o isa sa nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Philippine Consulate General sa Sydney na wala pang kumpirmadong Pilipinong nasawi o nasugatan sa pamamaril. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here