MANILA, Philippines – Walang nakakuha ng top prize sa Ultra Lotto 6/58 at Super Lotto 6/49 draws na ginanap noong Linggo ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sa Ultra Lotto 6/58, ang winning combination ay 49-43-14-06-18-19, na may jackpot na P49.5 milyon. Ayon sa PCSO, walang tumama sa lahat ng anim na numero.
Samantala, wala ring nanalo sa Super Lotto 6/49, ang mga numerong nabunot ay 42-43-37-09-45-36, para sa jackpot na P51.52 milyon. RNT/MND