Home METRO Flight ban sa paligid ng Bulkang Mayon pinalawig ng CAAP

Flight ban sa paligid ng Bulkang Mayon pinalawig ng CAAP

283
0

ALBAY, Philippines – Muling pinalawig ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang flight ban sa mga lugar na malapit sa Bulkang Mayon sa Albay hanggang Lunes ng umaga, Disyembre 15.

Noong Linggo ng gabi, naglabas ang CAAP ng updated Notice to Airmen (NOTAM) para sa mga flight na daraan malapit sa bulkan.

Ang NOTAM, na may vertical limit na hanggang 11,000 feet o 3,353 metro, ay epektibo mula 7:47 a.m. ng Linggo, Disyembre 14, hanggang 9:00 a.m. ng Lunes, Disyembre 15.

Pinayuhan ng CAAP ang mga airline at piloto na iwasang lumipad malapit sa Mayon Volcano dahil sa kamakailang low-level unrest nito.

Noong nakaraang linggo, sinabi ng PHIVOLCS na may namataang madidilim na lava spines na lumalabas mula sa summit lava dome ng Mayon, na nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng bagong at mababaw na magma sa loob ng bulkan.

Sa kasalukuyan, ang Bulkang Mayon ay nasa Alert Level 1, na nangangahulugang may mababang antas ng pag-aalburoto. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here