Home HOME BANNER STORY P7.13M illegal na droga nakuha sa inabandonang eco bags sa Makati

P7.13M illegal na droga nakuha sa inabandonang eco bags sa Makati

271
0

MANILA, Philippines – Narekober ng Southern Police District (SPD) nitong Lunes, Disyembre 15 ang nasa P7.13 milyong halaga ng illegal na droga sa dalawang eco bag na inabandona sa Barangay Urdaneta, Makati City nitong weekend.

Nakita ng isang concerned citizen ang eco bag sa Apartment Ridge Street at iniulat ito sa pulisya Linggo ng tanghali, ayon kay Makati City police chief PCol. Pedro Alagano Jr.

Narekober ng pulisya ang nasa 3,665 hinihinalang ecstasy tablets, 437 gramo ng hinihinalang marijuana kush, 18 piraso ng hinihinalang marijuana oil vape cartridges, at nasa 42 gramo ng suspected cocaine mula sa mga bag.

Nagkakahalaga ang mga hinihinalang ecstasy tablets ng nasa P6.2 milyon, ang suspected marijuana kush sa P655,000, cocaine sa P222,600, at marijuana oil vape cartridges sa P23,400.

Wala pang tukoy na suspek ang mga awtoridad sa oras na ito.

Ituturn-over ang mga nakumpiskang illegal na droga sa SPD Forensic Unit para sa laboratory examination at iniimbestigahan naman ang source at posibleng kaugnayan nito sa drug trafficking activities.

“This recovery demonstrates how alert citizens and responsive police units can stop large volumes of illegal drugs from entering our streets. Every report matters. We urge the public to continue working with us and immediately report any suspicious items or activities in their communities,” pahayag ni SPD director PBGen. Randy Arceo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here