MANILA, Philippines – Sinabi ni Public Works Secretary VInce Dizon nitong Lunes, Disyembre 15 na si Rogelio “Babes” Singson na nagbitiw sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), ay kasama sa grupo ng mga eksperto na susuri sa flood control projects sa hinahanarap.
Si Singson na isang dating public works secretary ay umalis sa komisyon noong unang bahagi ng buwan na binanggit ang mabigat na trabaho ng ICI na nagrerekomenda ng mga kaso laban sa mga personalidad na sangkot sa mga maanomalyang flood control projects.
Sinabi ni Dizon na si Singson ay sasali sa napakahalagang DPWH technical working group na magsusuri ng lahat ng flood control projects sa hinahanarap.
Giit ni Dizon, wala nang papasang flood control project nang hindi aprubado ng technical working group of experts kung saan kasama si dating DPWH Secretary Babes Singson. Jocelyn Tabangcura-Domenden