Home NATIONWIDE Pagsawata sa online selling ng iligal na paputok, pinatindi ng PNP

Pagsawata sa online selling ng iligal na paputok, pinatindi ng PNP

269
0

MANILA, Philippines – Pinatindi ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya laban sa ilegal na paggawa at online na pagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok upang maiwasan ang aksidente sa panahon ng Kapaskuhan.

Ani Col. Rex Buyucan ng Explosive Management Division, pinaigting ng PNP Anti-Cybercrime Group ang cyber-patrolling at may ilang naarestong nagbebenta na.

Pinalalakas din ang operasyon bago ang Bagong Taon, at nakikipag-ugnayan ang PNP sa mga online selling platform at Bureau of Customs upang pigilan ang ilegal na distribusyon.

Kabilang sa mga ipinagbabawal na paputok ang watusi, pop-pop, pla-pla, piccolo, five star, giant bawang, giant whistle bomb, atomic bomb, large-size Judas Belt, super lolo, Goodbye Bading, at iba pa.

Marami rito ay overweight, may higit sa 0.2 gramo ng pampasabog, at walang tamang marka. Ang mga lalabag ay maaaring patawan ng hanggang PHP20,000 na multa at anim na buwan hanggang isang taong pagkakakulong.

Binigyang-diin ni Buyucan na ang ilegal na paputok ay delikado sa publiko at nakasasama rin sa lehitimong industriya.

Karaniwang tradisyon pa rin sa Pilipinas ang paggamit ng paputok tuwing Bagong Taon, bilang paniniwala na itinataboy nito ang malas at masamang espiritu. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here