MANILA, Philippines – Hindi inaasahang sumabog sa madaling panahon ang Bulkang Mayon dahil sa mababang antas ng aktibidad, ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol nitong Lunes.
Ayon sa monitoring, mababa pa ang aktibidad ng bulkan kaya nananatili ito sa Alert Level 1.
Walang naitalang volcanic earthquake sa nakalipas na 24 oras at mababa rin ang gas emission na 307 tonelada.
“The volcano will not erupt in the next few days because it is still under Alert Level 1,” ani Bacolcol.
Naitala ng Phivolcs ang anim na rockfall events at mahina lamang na crater glow na makikita sa pamamagitan ng teleskopyo, ngunit itataas lamang ang alert level kung magkakaroon ng malinaw at tuloy-tuloy na pagtaas ng aktibidad.
Pinayuhan din niya ang publiko na mahigpit na ipagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometrong permanent danger zone at sundin ang mga advisory ng Phivolcs at lokal na pamahalaan. Santi Celario