Home METRO 50 pamilya sa Tondo, nawalan ng tirahan sa sunog

50 pamilya sa Tondo, nawalan ng tirahan sa sunog

300
0
(c) Ben Blanca

MANILA, Philippines – Umabot ng ikalawang alarma ang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Tondo, Maynila.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula alas-2:47 ng madaling araw ang sunog sa kuwarto sa ground floor ng apat na palapag na bahay sa 1320 CP Garcia, Moriones, Tondo.

Gawa umano sa light material ang bahay, kaya agad itong lumaki at kumalat sa ilang katabing bahay.

Nasa 11 bahay ang bahagyang nasunog, habang 9 naman ang tuluyang nasunog.

Tinatayang aabot sa kabuuang P300,000 ang pinsalang idinulot ng sunog, na idineklarang fireout ganap alas-4:23 ng umaga.

Nasa mahigit-kumulang 150 indibidwal o 50 pamilya ang nawalan ng masisilungan matapos lamunin ng apoy ang kanilang mga bahay.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa sunog, kung saan mahimbing na natutulog ang mga residente nang mangyari ito.

Iniimbestigahan pa ng BFP ang sanhi ng sunog. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here