Home NATIONWIDE Simbang Gabi sa labas ng simabahan, kailangan ng permit – Archdiocese of...

Simbang Gabi sa labas ng simabahan, kailangan ng permit – Archdiocese of Manila

331
0

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Archdiocese of Manila na ang mga gustong magdaos ng Simbang Gabi o mga Misa sa madaling araw sa labas ng mga simbahan ng parokya ay kinakailangang kumuha ng permit.

Ang gabay para sa Simbang Gabi, na opisyal na magsisimula ngayong Martes, Disyembre 16, ay nakapaloob sa Circular No. 2025–99 ng Arkidiyosesis.

“Kung ang mga Misa ng Aguinaldo/Simbang Gabi ay ipagdiriwang sa mga kapilya, opisina, o mga lugar maliban sa simbahan ng parokya, santuwaryo, o chaplaincy, kinakailangan humingi ng pahintulot mula sa Arsobispo ng Maynila,” sabi ng Archdiocese.

Kasabay nito, sinabi ng pa sa abiso na ang “anticipated” na Simbang Gabi ay pahihintulutan sa gabi bilang bahagi ng “pastoral accommodation” ng Simbahang Katolika.

Maaaring magsimula ang mga Misa ng Aguinaldo/Simbang Gabi nang alas-6 ng gabi para sa mga Misa sa gabi, habang ang huling Misa ng Aguinaldo/Simbang Gabi ay maaaring magsimula nang alas-5:30 ng umaga para sa mga Misa sa madaling araw/umaga.

Sa isa pang Circular (No. 2025–108), sinabi ng Arkidiyosesis ng Maynila na ang mga Misa ng Simbang Gabi/Aguinaldo ay naglalayong manalangin para sa “katatagan ng mga Pilipino sa pananampalataya,” lalo na ang mga nahaharap sa mga hamon sa buhay.

Ang Simbang Gabi ay ang tradisyonal na siyam na araw ng mga Misa sa gabi o madaling araw na dinadaluhan ng mga Katolikong Pilipino bilang paghahanda sa Pasko.

Ang mga anticipated mass ay gaganapin mula Disyembre 15 hanggang 23.

Samantala, ang mga Misa sa madaling araw ay mula Disyembre 16 hanggang 24. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here