Home METRO 300-taong gulang na pulpit sa simbahan sa Maragondon, gumuho

300-taong gulang na pulpit sa simbahan sa Maragondon, gumuho

293
0

MANILA, Philippines – Gumuho ang 300-taong gulang na pulpit ng Nuestra Señora de la Asuncion parish church sa Maragondon, Cavite noong Biyernes, Disyembre 12, ayon sa pahayag ng simbahan.

Agad na ipinaalam ng mga opisyal ng parish kay Imus Bishop Reynaldo G. Evangelista at nakipag-ugnayan sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), lokal na pamahalaan, at Ministry on Cultural Heritage ng simbahan. Inasikaso ang lugar at nakolekta ang mga piraso ng pulpit sa baptistry ng parish.

Natukoy ng NCCA na sanhi ng pagbagsak ang internal structural failure ng lumang suporta sa loob ng Tornavoz (Sound Bar). Kinumpirma ni Architect Frances Quito na maayos ang kondisyon ng nakuhang mga kahoy na panel.

Nagsagawa na ng inspeksyon at detalyadong assessment para sa restoration ang iba’t ibang grupo, kabilang ang Maragondon Tourism Office at mga espesyalista ng NCCA.

“Hinihiling po namin ang inyong patuloy na panalangin. Tinitiyak po namin na gagawin natin ang lahat alinsunod sa highest conservation standards para maibalik ang ating makasaysayang Pulpito sa dati nitong karangalan,” sabi ng opisyal ng simbahan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here