MANILA, Philippines – Hindi maisusulong ang panukalang Anti-Political Dynasty Act kung walang pag amyenda sa Konstitusyon, ayon kay Ako Bicol Party List Rep. Alfredo A. Garbin Jr.
Ayon kay Garbin, Vice chair ng House committee on constitutional amendments, maganda ang hangarin ng panukala gayunpaman kung walang batas para dito ay hindi uubra.
“The proposal faces a fundamental constitutional barrier that Congress cannot address through ordinary legislation,” paliwanag ni Garbin.
Ani Garbin malinaw ang nakasaad sa Articles VI at VII ng Constitution patukoy sa kuwalipikasyon ng mga elective posts at hindi maaaring magdagdag dito ang Kamara.
“Congress has no authority to add to or subtract from these qualifications,” paliwanag ni Garbin.
Giit ni Garbin, hindi sya tutol sa anumang reporma at isa sya sa mga mambabatas na nagsusulong na magkaroon ng pag amyenda sa Saligang batas lalo na sa pagpapalakas ng probisyon sa national territory at pag alis sa economic restrictions.
“If we are truly serious about reforming our political system, we must do it the right way so that change becomes genuine, enforceable and enduring,” pagtatapos pa ni Garbin. Gail Mendoza