Home NATIONWIDE Malakanyang nag bukas ng ‘gate’ para sa Christmas festivities

Malakanyang nag bukas ng ‘gate’ para sa Christmas festivities

288
0

MANILA, Philippines – Binuksan ng Malakanyang ang grounds nito para sa pamilya at mga bisita para sa tradisyonal na Misa de Gallo, tanda ito ng pagsisimula ng holiday season.

Sa pang-apat na taon, ang Eucharistic celebration ay bahagi ng “Tara sa Palasyo” program na inorganisa ng Office of the President (OP), iniimbita ang mga pinoy na maranasan ang Yuletide traditions sa loob ng historic Palace complex.

Ang nine-day Misa de Gallo, idaraos mula sa Dec. 16 hanggang 24 sa pagitan ng alas-4 ng madaling araw at alas- 5 ng madaling araw, pinapayagan ang publiko na dumalo sa tinatawag na dawn Masses sa Malakanyang.

Ang mga attendees ay welcome sa traditional Filipino Christmas treats, kabilang na ang hot chocolate, bibingka at puto bumbong, idagdag pa ang ‘warmth at flavor’ sa morning celebration.

Bukod sa Misa, maaari ring mag-enjoy ang mga bisita ng isang host ng family-friendly activities, kabilang ang carnival-themed rides, film showings at isang nakasisilaw na Christmas display mula 6 p.m. hanggang 11 p.m. hanggang Dec. 23.

Ang “Tara sa Palasyo” program ay naging hallmark ng kasalukuyang administrasyon, binigyang diin ang pagsisikap na gawing mas accessible ang Malakanyang sa publiko habang pino-promote ang kultura ng mga pinoy, pananampalataya at community spirit sa panahon ng holiday season.

Matatandaang, dumagsa ang 3,000 isita sa Malakanyang, halos doble ng nakalipas na edisyon, binigyang diin ang lumalagong popularidad ng festive tradition ng Malakanyang. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here