MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) sa Mimaropa at Zamboanga Peninsula ang pagtaas ng minimum na sahod ng mga manggagawa at kasambahays, na ipatutupad simula Enero 2026, ayon sa anunsyo ng National Wages and Productivity Commission (NWPC).
Sa ilalim ng Wage Order No. RB-MIMAROPA-13, tataas sa P455 ang daily minimum wage sa pribadong sektor sa Mimaropa mula P430 para sa malalaking establisyemento at P404 para sa maliliit.
Tumaas din ang buwanang minimum wage ng kasambahays mula P6,500 hanggang P7,000.
Sa Zamboanga Peninsula, itinaas ng Wage Order No. RIX-24 ang daily minimum wage ng P50, ibibigay sa dalawang bahagi: simula Enero, P439 para sa non-agriculture establishments at P426 para sa maliliit na agriculture at retail/service establishments; at simula Hunyo, magiging P464 at P451 ang mga bagong rate. RNT