Home NATIONWIDE P23-B dagdag-budget sa subsistence allowance sa militar, uniformed personnel, oks na sa...

P23-B dagdag-budget sa subsistence allowance sa militar, uniformed personnel, oks na sa Bicam

203
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng bicameral conference committee noong Martes ang P23 bilyon para sa pagtaas ng subsistence allowance ng mga kawani ng militar at uniformed personnel bilang bahagi ng panukalang P6.7 trilyong badyet ng 2026.

Ayon kay House appropriations chair Mikaela Suansing, itataas ang allowance mula P150 hanggang P350 kada araw para sa iba’t ibang ahensya gaya ng PNP, BJMP, BFP, PCG, NAMRIA, at Bureau of Corrections.

Ipinahayag naman ni Senate finance chair Sherwin Gatchalian na maraming senador ang nagtaguyod ng pagtaas ng allowance.

Naputol ang deliberasyon sa Department of National Defense budget matapos ipahayag ni Rep. Rufus Rodriguez na maaaring makompromiso ang national security dahil sa live stream at media coverage.

Ayon kay Rodriguez, ang mga sensitibong usapin tulad ng pagbili ng kagamitan at modernization ay dapat sa executive session, habang ang iba pang proyekto gaya ng pag-aayos ng barracks ay inaprubahan na. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here