Home NATIONWIDE Fiancé, utol kinuwestyon ng 7 oras ng parak sa nawawalang bride-to-be

Fiancé, utol kinuwestyon ng 7 oras ng parak sa nawawalang bride-to-be

269
0

MANILA, Philippines – Inusisa ng Special Investigation Team ng Quezon City Police District ang fiancé at kapatid ni Sherra De Juan, ang nawawalang bride-to-be, sa loob ng mahigit pitong oras bilang bahagi ng imbestigasyon.

Ayon kay Mark Arjay Reyes, tinitingnan ng pulis ang mga posibleng dahilan ng pagkawala ni Sherra, kung siya ba ay umalis nang kusa o may kinalaman ang ibang tao.

Sinabi rin ni Darie De Juan na walang napansing kakaiba sa kilos ni Sherra bago siya nawala.

Dalawang salesladies sa Fairview Center Mall ang nag-ulat na nakita si Sherra noong araw ng pagkawala, at kukuhaan na ng sworn statements ang mga ito.

Naibigay na rin sa pulisya ang cellphone at laptop ni Sherra para sa forensic examination.

Bagama’t halos isang linggo na ang nakalipas mula sa pagkawala ni Sherra, patuloy ang paghahanap sa iba’t ibang lugar, kabilang ang Fairview, Bulacan, at Caloocan, at tumaas na sa ₱50,000 ang reward para sa impormasyon tungkol sa kanyang kinaroroonan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here