MANILA, Philippines – Kabilang ang mga Pinay sa pinaka-aktibong viewers ng Pornhub ngayong 2025, ayon sa taunang “Year in Review” ng website.
Bumubuo ng 64% ng lahat ng bumibisita sa site ang kababaihang Pilipino, dahilan para maging isa ang Pilipinas sa tatlong bansa sa top 20 na mas maraming babaeng manonood kaysa lalaki.
Nanatiling pangatlo ang Pilipinas sa buong mundo sa site traffic, na may average na oras ng pagbisita na 10 minuto at 53 segundo, halos dalawang minuto na mas matagal kumpara noong nakaraang taon.
Halos kalahati ng audience ay edad 18–24, at 29% naman ay edad 25–34.
Karamihan sa mga Pilipino ay gumagamit ng cellphone sa pag-access ng site (96%), at ang “Pinay” ang pinakamaraming hinanap na termino sa bansa, na pangatlo rin sa global searches. RNT