MANILA, Philippines – Wala pang indikasyon ng foul play sa pagkawala ng bride-to-be na si Sherra De Juan, ayon sa Quezon City Police District (QCPD).
Nakita sa CCTV footage si De Juan palabas ng kanilang bahay at papunta sa isang transportation terminal, at may video rin na nagpapakita sa kanya na sumasakay ng bus sa Commonwealth Avenue noong Sabado.
“Nag-message siya sa akin agad na pupunta siya ng FCM to buy bridal shoes po… Then around 1:18 p.m., nag-message na siya sa akin na iiwan daw niya yung cellphone niya, pupunta na siya ng FCM, icha-charge niya lang daw po sandali,” ani fiancé Mark Arjay Reyes.
Naibigay na sa awtoridad ang cellphone at laptop ni De Juan para sa forensic examination, at iniimbestigahan ang kanyang huling komunikasyon.
Humihiling ang QCPD sa dalaga na makipag-ugnayan agad sa kanyang pamilya kung siya ay nagbakasyon o may ibang pinuntahan upang hindi na mag-alala ang mga magulang. Santi Celario