Home HOME BANNER STORY Gr. 5 studes na gumaling sa math at pagbabasa, dumami

Gr. 5 studes na gumaling sa math at pagbabasa, dumami

331
0

MANILA, Philippines – Tumaas ang bilang ng mga Grade 5 na mag-aaral sa Pilipinas na may mataas na antas ng kasanayan sa matematika at pagbasa, batay sa SEA-PLM 2024.

Nakita rin ang mas ligtas na kapaligiran sa mga paaralan, kung saan bumaba ang insidente ng bullying mula 55% noong 2019 sa 42% ngayong 2024.

Gayunpaman, nananatili ang malalaking agwat sa pagkatuto: mas mataas ang performance ng mga batang babae, mayayamang mag-aaral, at mga nagsasalita ng wikang ginagamit sa pagsusulit, kumpara sa kapwa nila kabataan.

Nanawagan ang UNICEF at SEAMEO sa gobyerno na palakasin ang mga reporma, suportahan ang maagang edukasyon, at tiyakin na ang mga paaralan ay handa sa epekto ng klima upang lahat ng mag-aaral, lalo na ang nasa laylayan, ay makinabang sa kalidad na edukasyon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here