Home NATIONWIDE Viral driver na nanapok ng magkakariton, kapatid ni Pokwang; komedyante nag-public apology

Viral driver na nanapok ng magkakariton, kapatid ni Pokwang; komedyante nag-public apology

334
0

MANILA, Philippines – Humingi ng paumanhin ang komedyanteng si Pokwang matapos mapasama ang kanyang kapatid sa viral na street altercation sa Antipolo City, kung saan umano’y sinapok ng kanyang kapatid ang isang lalaking nagtatulak ng kariton kasama ang anak nito.

Sinabi ni Pokwang na hindi niya dapat kampihan ang kapatid at humingi ng dispensa sa biktima at sa anak nito.

“Paalala lang po, ang kasalanan po ni Pedro, ay hindi po pwedeng kasalanan ni Juan. Maaari pong iisa kami ng apelyido pero hindi po kami lagi pareho ng pag-iisip at ng mga gawain araw-araw,” ani Pokwang.

“Ako po ay humingi ng dispensa doon po sa kanyang nakaalitan, lalong lalo na po doon sa anak na babae pasensya ka na iha, dadalawin kita ha. Wait lang ha pupunta ang Tita Pokwang mo diyan. Pasensya ka na.”

“Hindi po ako natutuwa, at hindi ko dapat kampihan yung nangyari po doon sa kapatid ko. Hindi naman din po ako, siyempre nanay din naman po ako,” giit pa niya.

Samantala, niresbakan naman ni Pokwang ang mga nag-post ng mukha ng kanyang pamilya sa social media, na aniya ay lumalabag sa privacy at maaaring ituring na cyberbullying at cyberlibel.

“Paalala ko lang din po, doon sa mga nagpost pa ng paulit-ulit ng mukha nung pamilya ko may tinatawag po tayong cyber bullying at cyber libel,” aniya.

“Doon po sa ibang politiko na nakisakay po at hindi naman taga-Antipolo, nakakaloka. Nagpost pa kayo, sir, alam nyo na kung sino kayo. Alam ko taga-Bicol kayo. Ingat po kayo, kasi mambabatas pa naman kayo so alam nyo dapat na yung tinatawag na cyberbulling, cyberlibel. Okay, pinost po ninyo yung mukha ng buong pamilya ko. Isa lang po ang may kasalanan, kapatid ko, pero nasaan po yung privacy yung protection po ng pamilya ko.”

“Hindi po ako kumakampi sa kapatid ko pero sana nag-iingat po kayo sa mga posts ninyo, mga comments ninyo,” dagdag pa niya.

Ayon sa Land Transportation Office, sinuspinde ng 90 araw ang lisensya ng kapatid ni Pokwang at binigyan ng show cause order. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here