MANILA, Philippines – Sinabi ni Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri na hindi papayagan ng Senado ang buong pagpapanumbalik ng kinaltas na P45 bilyon sa proposed 2026 budget ng Department of Public Works and Highways.
Nakasaad ang pondo para sa 10,000 proyekto, ngunit nananatili ang deadlock sa pagitan ng Senado at Kamara.
Sinabi ni Zubiri na kailangan munang ipakita ng DPWH ang recomputation ng proyekto kada item bago ibalik ang anumang halaga, upang maiwasan ang palakasan at maprotektahan ang interes ng publiko.
Binanggit din niya na may ulat ng overpriced na construction materials mula sa DPWH at Pangulong Marcos, kaya hindi makatuwiran ang agarang pagbabalik ng buong halaga.
Aniya, puwede ring magkaroon ng delay sa budget process at posibleng mag-reenacted budget habang inaayos ang mga detalye. RNT