Home METRO Salon owner tinadtad ng saksak, sapul sa livestream

Salon owner tinadtad ng saksak, sapul sa livestream

342
0

MANILA, Philippines –  Nasapul sa isang livestreaming ang pananaksak sa isang salon owner sa Camiguin.

Nakita sa video na pumasok ang suspek habang may mga tao sa loob ng salon, at dito na pinagsasaksak ang biktima sa leeg bago siya pigilan ng isa pang barbero at magpambuno hanggang sa mapunta sila sa labas ng salon.

Ayon sa pulisya, nag-ugat ang insidente sa matagal nang online na alitan ng biktima at ng babaeng live-in partner ng suspek.

Inamin ng suspect sa pulis na lasing siya noong nangyari ang krimen.

Ang biktima ay nasa maayos na kalagayan, habang haharap ang suspek sa kasong frustrated murder at inirepaso sa fiscal’s office. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here