MANILA, Philippines – Nagpasya ang bicameral conference committee na ipagpaliban muna ang talakayan sa 2026 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa recomputation ng material costs ng 10,000 proyekto matapos ang revised submission mula kay DPWH Secretary Vince Dizon.
Ayon kay Senate finance panel chair Sen. Win Gatchalian, kailangan ng dagdag na oras ang kanilang team upang matapos ang kalkulasyon.
Habang hinihintay ang recomputed figures, pinayagan ni Gatchalian ang pagpapatuloy ng deliberasyon sa budget ng ibang ahensya tulad ng Department of Agrarian Reform at Department of Interior and Local Government.
Sinabi naman ni House appropriations panel chair Rep. Mikaela Suansing na susuriin nila ang bagong data bago muling talakayin ang DPWH budget, na kasalukuyang nasa P570 bilyon, mula sa orihinal na P880 bilyon at mas mababa sa House proposal na P624 bilyon. RNT