Home NATIONWIDE CHED, PNP nagsagawa ng crisis management sa bomb threat sa iskul

CHED, PNP nagsagawa ng crisis management sa bomb threat sa iskul

319
0

MANILA, Philippines – Nakipagtulungan ang Commission on Higher Education (CHED) sa Philippine National Police (PNP) upang tugunan ang tumataas na bilang ng bomb threat sa mga higher education institutions (HEIs).

Inilunsad ang Crisis or Incident Management and Bomb Threat Response Training mula Disyembre 6–8 sa Mariano Marcos State University, kung saan 48 kinatawan mula sa 16 vulnerable SUCs ang lumahok.

Binigyang-diin ni CHED Chairperson Shirley Agrupis ang kahalagahan ng campus safety at ang pagbuo ng academic programs na magpapaigting ng kaalaman sa proteksyon ng civil society.

Ayon sa survey ng CHED at datos ng PNP, may 209 na bomb threats na naitala sa HEIs, kung saan 128 rito ay nangyari mula Oktubre hanggang Nobyembre, na nagdulot ng abala sa mga aktibidad ng paaralan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here