Home NATIONWIDE Mga programa ng DSWD nais palakasin, palawigin ni PBBM sa street dwellers

Mga programa ng DSWD nais palakasin, palawigin ni PBBM sa street dwellers

291
0

MANILA, Philippines – NAGPAHAYAG ng kanyang intensyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na palakasin at palawigin ang Pag-Abot Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na naglalayong magbigay ng suporta, interbensyon at social welfare protection sa mga taong -kalye.

“This is by extending support to more families in need of social welfare protection,” ang sinabi ng Presidential Communications Office (PCO).

“Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalawig ng DSWD Pag-Abot Program, na nagbibigay proteksyon, pagkain, at regalo sa mga benepisyaryo ngayong Kapaskuhan,” ang sinabi pa ng PCO sa Facebook page nito.

Ayon pa rin sa PCO, palalawigin sa susunod na taon ang saklaw ng Pag-Abot Program at Walang Gutom Kitchen sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, at Central Visayas.

Nauna rito, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang distribusyon ng regalo at tumulong na mag-serve ng free meals sa mga benepisaryo ng Walang Gutom Kitchen ng DSWD sa Pasay City bilang bahagi ng interbensyon para suportahan ang mga pamilya at tao na nasa crisis situations at tugunan ang involuntary hunger.

Pinangunahan din ng Pangulo ang “DSWD Pag-Abot Program: Pasko Kasama ang Pangulo” isang aktibidad sa Nasdake Building, kung saan makikita ang Walang Gutom Kitchen at ang newly-inaugurated Pag-abot Processing Center. Sinamahan naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang Pangulo.

Ang pagbisita ng Pangulo ay nataon naman sa unang taong anibersaryo ng Walang Gutom Kitchen, isang bahagi ng Pag-Abot Program, at inagurasyon ng Pag-abot Processing Center.

Ininspeksyon din ng Pangulo ang mga pasilidad sa Pag-Abot Processing Center, kabilang ang family area, quarters ng mga lalaki at babae, mess hall, wellness area, holding at processing area, multi-purpose hall, at medical room.

Naging operational ito noong April 2024 bilang temporary shelter na mayroong 180-bed capacity.

“Institutionalized in 2024 through Executive Order No. 52, the Pag-Abot Program has reached out to 10,570 families and persons living on the streets since its pilot implementation in 2023,” ayon sa ulat. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here