Home NATIONWIDE Pagbaba ng 2026 budget ng DPWH walang epekto sa mga proyekto –...

Pagbaba ng 2026 budget ng DPWH walang epekto sa mga proyekto – Dizon

275
0

MANILA, Philippines – Sa kabila ng pagbaba ng pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa 2026, sinabi ni Secretary Vince Dizon na wala itong nakikitang epekto sa mga proyekto ng ahensya.

Ayon kay Dizon, halos na 40 percent ang ibinababa sa budget ng DPWH kung saan mula sa higit P800 bilyon ay nasa higit P500 bilyon ang makukuha nilang pondo.

Aniya, ang naturang pondo ay sapat na para sa DPWH basta’t magamit nang maayos sa mga proyekto.

Dagdag pa ng kalihim na susuriin nilang mabuti ang mga proyekto na ilalatag para mailaan ang nararapat na pondo.

Kanila nilang ipopost sa kanilang accounts ang bawat gastos ng kagawaran bilang transparency sa publiko.

Pagtitiyak ni Dizon, hindi na mauulit pa ang nangyaring anomalya sa nakalipas na taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here