Home NATIONWIDE 331 nakapasa sa tech evaluation sa pag-upgrade bilang professional mechanical engineers

331 nakapasa sa tech evaluation sa pag-upgrade bilang professional mechanical engineers

228
0

MANILA, Philippines – Higit sa 300 examinees ang pumasa sa technical evaluation para sa pag-upgrade bilang propfesional na mga mechanical engineers na ibinigay noong nakaraang buwan, ayon sa Professional Regulation Commission.

Ayon sa PRC, 331 ang pumasa sa evaluation, na ibinigay ng Board of Mechanical Engineering sa mga test centers sa Metro Manila, Baguio, Cebu, Davao, Lucena at Japan noong Nobyembre.

Samantala, nagtapos naman sa De La Salle Medical & Health Sciences Institute ang nanguna sa December 2025 licensure examination para sa mga radiologic technologist, habang ang kanilang katapat sa X-ray technologist computer-based licensure exam ay isang nagtapos sa Wesleyan University Philippines-Cabanatuan, ayon sa Professional Regulation Commission.

Ayon sa PRC, 2,629 sa 4,419 ang pumasa sa radiologic technologists licensure exam at 17 sa 64 ang pumasa sa X-ray technologists computer-based licensure exam, na parehong ibinigay ng Board of Radiologic Technology sa mga testing centers sa Metro Manila, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga ngayong buwan

Si Diana May Ojascastro Thomas ng DLSMHSI ay nakakuha ng 93.80% upang maabot ang top spot sa radiologic technologists licensure exam, habang ang top performing school na may hindi bababa sa 20 examinees ay ang Holy Name University, kung saan pumasa ang lahat ng 28 test takers nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here