Home HOME BANNER STORY ‘Transparent, responsive’ bicam sa 2026 GAA tinapos na ng Senado, Kamara

‘Transparent, responsive’ bicam sa 2026 GAA tinapos na ng Senado, Kamara

299
0

MANILA, Philippines – Tinapos na ng Senado at Kamara nitong Huwebes ng madaling araw, Disyembre 18 ang bicameral conference committee deliberations sa proposed 2026 General Appropriations Act (GAA).

Tinapos ng bicam ang trabaho bandang 2:22 ng madaling araw at napagkasundo ang disagreeing provisions ng P6.793-trillion General Appropriations Bill.

Ang Senate panel ay pinangunahan ni Committee on Finance chairperson Sherwin Gatchalian, habang ang House contingent ay pinangunahan ni Committee on Appropriations chairperson Nueva Ecija 1st District Rep. Mikaela Angela Suansing.

Ani Gatchalian, nakumpleto ng bicam ang mandato nito at nakabuo ng badyet na tumutugon sa pangangailangan ng mga tao.

“Finally, we have concluded our bicameral conference committee meeting… and finally, we have a budget that we can be proud of and responsive to the Filipino people,” anang senador.

“Ako ay kampante na ang budget na ito ay tunay na tutugon sa mga pangangailangan po ng ating mga kababayan,” ani Gatchalian.

Inilarawan naman ni Suansing ang pagtatapos ng bicam bilang makasaysayan dahil marka ito ng kauna-unahang pagkakataon na ang national budget bicameral proceedings ay ini-livestream.

“Muli, ito po ay isang napakamakasaysayang araw para sa ating bansa… ito ang pinakaunang livestream ng bicameral conference committee proceedings.”

“I hope that now our kababayans were able to see firsthand kung gaano po naming pinaghirapan ang pagbuo ng budget na ito,” sinabi pa ni Suansing. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here