MANILA, Philippines – Mahigit 100,000 balikbayan boxes na matagal nang nakatengga sa Port of Manila ang tuloy-tuloy nang naipamamahagi sa mga pamilya ng overseas Filipino workers (OFWs) ilang araw bago ang Pasko.
Ayon sa Bureau of Customs (BOC), dapat magsampa ng reklamo laban sa mga negligent deconsolidators.
Sinabi ni Commissioner Ariel Nepomuceno na ang mga ito ay kailangang bayaran ang port charges, shipping costs, at buwis.
Ipinahayag ni Nepomuceno ang pag-asa na hindi pa nasisira ang mga perishable goods sa loob ng mga boxes.
Bagama’t natuwa ang OFWs sa pagpapalabas ng kanilang balikbayan boxes, naglabas din sila ng pagkadismaya sa pagkaantala.
“Idemanda natin at hindi na makapag negosyo. Magkakaroon kami ng mas mahigpit na parameters na kapag may problema, meron kaming hahabulin na bond. Hindi pera ng gobyerno ang gagastusin namin sa obligation nila,” ayon kay Nepomuceno. Dave Baluyot