MANILA, Philippines – Nagbabala si Pope Leo XIV laban sa paggamit ng artificial intelligence (AI) sa militar, tinawag itong “mapaminsalang pagtataksil” sa prinsipyo ng humanismo.
Sa kanyang unang mensahe para sa World Peace Day, sinabi niya na ang pagdedesisyon ng buhay at kamatayan sa pamamagitan ng makina ay nagpapalala sa trahedya ng armadong labanan at nagpapahintulot sa mga lider na umiwas sa pananagutan.
Binatikos din niya ang paggamit ng relihiyon upang bigyang-katwiran ang karahasan o nasyonalismo at pinuna ang pagtitiwala sa lakas militar, kabilang ang nuclear deterrence, na ayon sa kanya ay nakabase sa takot at hindi sa batas, hustisya, at tiwala.
Ilang bansa ang nagsimulang gumamit ng AI para sa surveillance, cyber defense, at autonomous weapons, na nagdudulot ng seryosong etikal na isyu. RNT